The Most Embarassing of All Embarassing MOments sa Buhay Ko!
Ang kahihiyan ni Janis at ang kaniyang misadventure!
Bow!
Hassle na kasi ang ubo't sipon ko, so after two days, naisipan kong magpa-check up sa Medical City. Sabi ng nanay ko, sasama daw siya dahil baka i-confine ako, wala daw akong load para mag-text sa bahay. Paano ba naman, halos ibuga ko na at ilabas ang baga ko para lang makalanghap ng hangin at nang lumuwag man lang ang hingahan ko. Anyways, nasa Medical City na kami ni nanay tapos the last time na bumisita ako sa Maxicare was two years ago pa. At ang natatandaan ko, sumakay kami ng elevator papuntang lower ground. So being a know-it-all girl that I am (sometimes), sakay kami ni nanay ng elevator. Tapos umikot kami sa buong LG bago ko naisipang tanungin 'yong isa sa ulitity personnel. "Eh, Ma'am sa ground floor po 'yun!" Ah, okay! Siyempre nga naman, sa loob nga ng 24 oras, sandamakmak na ang puwedeng mangyari, two years pa kaya!? "Thank you po!" Siyempre, nagpa-cute naman ako. So may I ride na kami ni mama sa elevator. 'Pag baba namin sa ground floor, pasok na kami sa pinto. Take note : Maxicare ang HMO namin sa company. So mega getsy ako ng number at umupo na to wait for my turn to be called. Tapos nung tinawag 'ung number ko sabi ng receptionist "Ma'm, peram po ng card." So inabot ko naman ung Maxicare kong card, at siyempre mega-proud kasi may "Premium" na tatak 'yun. Tapos tiningnan ako ng receptionist na parang bigla akong tinubuan ng sungay. "Ma'am, sa kabila po ata kayo. Try nyo po sa next na door". Mang-aaway na sana ako pero dahil 38.4 degree celcius ang temperature ko, naghunus-dili naman ako dahil baka biglang umakyat sa 42 degrees at kumbulsiyunin ako . So, hinablot ko 'yong card ko at nag-dramatic entrance ako. Tapos nung nasa labas na ko, binasa ko ung nakasulat sa door : MEDICARD. Anak ng parents naman, oo, nasobrahan ata ako ng intake ng Nafarin at na-high ako. Ano bars? MAXICARE, janis! M-A-X-I-C-A-R-E!!!! With all the grace and poise I could muster, pasok kami sa next door, this time carefully reading the name : MAXICARE. Eto na janis! Totoo na ito! This is it!
Tapos nandun na nga kami sa loob ng, again : MAXICARE! So may I get na naman akes ng number. Tapos tinawag na ang number ko tapos inabot ko 'yung card ko. Tapos maya maya, may pinapa-pirmahan sa akin, a credit card receipt-like na papel (alam ninyo yung pinapapirmahan pag nag-swipe kayo ng credit card). Sabi ko "Wait, lang Miss, di ba, libre to kasi Maxicare ung HMO namin di ba? Bakit may charge? Saka hindi ko naman binigay 'ung credit card ko ah!" Tapos, I swear gusto talagang matawa ng receptionist, pero siguro naawa sa ka-inosentihan ko, kaya nag-explain na lang. "Ma'am, ganiyan na po ngayon, sina-swipe na po 'ung HMO card ninyo tapos pipirmahan nio na lang po ung charge slip pero wala kayong babayaran." So I smiled and kunwari naaliw sa process. "Wow, ang galing, high tech naman!" I meekly returned to my seat and thanked God na aapat lang kami doon, kasama ang nanay ko. Pinakiramdaman ko ung dalawang ibang tao doon. Deadma naman sila. Nagpakawala ako ng isang napakalalim na buntong hininga and to my surprise, bigla akong umubo. Turn off talaga! Parang sumabog ang buong paikot ng sinturon ni hudas!! Good thing, nakisama ang sipon ko at Missing in action siya that time
So after merely 2 minutes of consultation with the doctor, binigyan na ako ng prescription. Eh may Mercury Drug naman sa labas ng Medical City but since sa Galeria ako sasakay pauwi dahil ang layo ng tawiran (sa Meralco Foundation pa), sumakay kami papuntang Galeria. Tapos si nanay sumakay na ng bus patungo sa Camp Crame. Nagpunta ako sa Mercury Drug para sana bumili na ng gamot. Kaso lang naisip ko na since nandoon na ako, might as well, mag-replinish na din ako ng mga gamit ko like shampoo, etc... When I was at the cashier, una ko siyempre iniabot ung Suki Card ko ( Mercury Drug loyalty card) tapos hinintay na ma-scan lahat ng pinamili ko. Tumataginting na P 1, 407.50 ang babayran ko (idinamay ko na rin kasi pati groceries sa bahay like coffee, sugar, family soap, etc..). Tapos binulatlat ko 'ung wallet ko. Tumataginting na P 100 at P20 bills lang laman! Nakakahiya, there were like 5 people pa naman sa likuran ko. Kakahiya talaga. Sabay hirit ko naman sa cashier. "Sorry, wait lang Miss kailangan ko palang mag-withdraw muna." Pero ang problem, wala namang laman ung ATM ko kasi wini-withdraw ko lahat ng laman non tapos hindi talaga ako naglalagay ng maraming pera sa wallet ko, iniiwan ko sa bahay. Nakakahiya talaga. Sa patung-patong na kahihiyang inabot ko, hindi na ako bumalik sa Mercury Drug. At kahit kailan, hindi na ako bibili doon. Siguro after two years na lang. Hay!
Kakahiya talaga. Ang worst pa sa lahat, 'yung isa sa nakapila sa likod ko sa drugstore, isa din doon sa nasa loob ng Maxicare! Nakakaloka talaga. Cute pa naman siya tapos nag-smile pa siya sa akin bago ako umalis ng Mercury Drug! Nakakahiya talga. Turn off. Hindi ko alam kung naaliw siya or pinagtatawanan niya ang nag-uumapaw kong ka-eng-engan nung day na 'yon!
Whew! Whattaday! Umuwi tuloy akong mukhang engot at walang gamot! At habang bumibiyahe pauwi, nagmistulang New Year's Celebration sa loob ng bus dahil hindi lang dalawa ang umuubo -- puwede na kaming bumuo ng choir!!!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home