Babae at Lalaki...Away tau..hehehe
ANG MGA BABAE TALAGA OO
by redrope
*grabe. usapang lalake* *sindi ng yosi*
*hithit* *buga* Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba. *hinga ng malalim* Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal. *tingin sa stars* Minsan naiisip ko,
alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal?
E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?
Ang feeling ng masaktan pag nabasted?
Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo? *tingin sa malayo* Lagi naman ganun. Una pa lang,
lalake na ang naghihirap.
Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun?
Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?
Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max.Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod.
At ano ang kapalit?
Well, depende sa trip nila.
Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan.
Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo.
Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan. Wala tayong magagawa, marami silang alibi.
"Hindi pa 'ko ready eh..",
"Sorry pero I think we should just be friends..",
"Ha? Uhhmm..nagpapatawa ka ba? Hahahaha.."
"Better luck next time na lang muna, okay lang?",
"Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..",
"Para lang kitang kapatid e..",
yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa 'yon para saten. *kuha ng bote ng beer*
*lagok* *lunok* At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.
Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.
Sila? Ummm? Teka, isipin ko. Ayun.
Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni.
Ewan. Ganun ata talaga. *kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok* Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo angbahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun. *hinga ng malalim* Pero alam mo tol,
feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.
*hinga ng malalim* *tingin sa malayo ulit* At ito pa ang pinakamasaklap. *singhot* Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either
sawa na sila,
hindi na tayo trip,
may nahanap na silang better saten,
o kaya they need f*cking space and time muna.
Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod. At ano pa ang kasamang hassle don?Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan.Na playboy.
Na nagpapaiyak. *iiling* Tayo siyempre ang mga
antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.
Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog. Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no? Ako, kamusta? Eto.Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.
Ang mga babae talaga, oo.
--------------
Sabi naman ni Aiyecka :
ang masasabi ko....:
nakakatuwa naman ito, tama pero sabi nga there's always two sides to every story....unfair naman kung sasabihin natin na lahat ng hirap ay sa lalake lang. siguro pag seryoso ang lalake masasabi nating totoo ang lahat ng andito. pero for the record, minsan kahit seryoso sila eh sablay din sila sa ilang bagay. oo nga mahirap ngang manligaw, pero alam ba ng boys ang hirap ng me nararamdaman ka pero di mo pedeng ipakita kasi babae ka? buti nga sila lalaki sila eh, anytime pde nilang sabihin sa girls ang nararamdaman nila. eh ang gurls? nakakapagod din naman mag-effort na magpa-cute noh, magmake-up, mag stomach-in-chest-out, magsuklay kada minuto at maglagay ng makating make-up! at lahat ng yan makapagpapansin lang sa lalaking gusto mo...na swerte mo na kung tignan ka ng type mo. sabi nila mahirap daw manligaw, eh kung tutuusin mani-mani lang sa 'ting mga babae yun kung papayagan lang ng lipunan na manligaw ang gurls! oo nga uso na yun ngayon pero TO pa rin sa boys pag ganun. eh mahirap din para sa ming mga babae ang mag-antay sa mga torpeng lalake na magtapat noh, gumawa ng first move at manuyo...nakakainip, nakakairita!!! sabi nila masakit daw ang ma-busted...ano namang kala nyo sa ming mga babae? sadista, walang puso!!! mahirap din para sa min na sabihing ayaw namin sa isang tao, di naman namin hobby ang manakit noh!!! at isa pa halimbawang me guy na nararamdaman na namin na me gusto sa min pero di namin type, mahirap ding sabihin maaga pa lang, e pano kung sabihin nilang "friendship lang naman habol ko ah" eh di tablado pa kami!!! at minsan di naman namin ginusto na ligawan kami ha, me mga lalaki din naman na hinindian mo na eh nangungulit pa rin, tapos kami sisihin nyo pag nasayang effort nyo eh una pa lang alam nyo nang wala talaga!!! hindi naman kami puro damit at shopping eh, marunong din kaming masaktan, umiyak, tumawa, MAGMAHAL!!!! indi naman kami mahilig mang-trip eh, gaya nga ng lagi kong sinasabi, expressive ako, siguro it goes to most girls as well, expressive kami masyado, kaya akala ng mga lalaki lagi kami ngttrip....indi totoong wala kaming pake, ang totoo nyan, lahat ng ginagawa nyong mga guys para sa 'ming mga girls, ulti mo yung mga katiting na minsan nga eh corny na ang dating ay napapansin namin at nana-appreciate!!! at it's not always negative pag sinabihan namin kayong corny...it's one way of saying na "hay naku, ang cute mo talaga..."!!!! oo, pramis, you guys just have to read betqeen the lines... madami pa sana akong comment pero masyado nang mahaba 'to at tinatamad na kong mag-type! masyado bang feminista ang dating? indi noh! gusto ko din lang ipaunawa sa lahat ng guys na pareho lang ang hirap ng dinadanas ng boys at girls sa isang relationship....iba lang ang way ng pagdadala. pero kung tutuusin pareho lang tayo ng hirap na pinagdadaanan...parepareho lang tayong nagmamahal at nasasaktan... point is, although mahirap nating intindihin ang isa't isa, sometimes we just have to look deep inside our hearts....kahit magkakaiba tayo, ito ang kaisa-isang bagay na naguugnay sa isang lalake at babae...ang pagmamahal na nararamdaman nila sa isa't isa...kaya nga mag-away man kayo, mag-fall short man ang partner mo sa expectations mo, ma-disappoint ka man ng maraming beses...icpin mo na ang taong yan ay mahal mo, minahal mo at kung pede nga lang ay mamahalin mo hangga't uso pa ang pagmamahal! mahirap maging magkaiba sa lahat ng bagay, mahirap ang di kau magkaintindihan...sa tingin ko nga inding indi magkakaintindihan ang boys at girls...pero kaya nga nauso yung linyang "let's meet halfway" eh...kasi on each other's half, andun yung tinatawag na love...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home