Janis...theProdigalhiker
This blog would pretty much serve as a window for you to sneak and privy into my personal life...Just like life, my mood also fickles...Minsan masaya, may times n malungkot pero okay lang that's life and I wouldn't have it any other way!...
Hala, read on k na lang!
Huling Kabanata
For you,(Subtitle : "Para Sa 'Yo" : Huling love letter ko na 'to!)I've known myself (and others have observed, too) that I am strong, that I am a fighter (in short, AMAZONA ala Xena: The Warrior Princess) pero matagal na akong sumuko, matagal na akong nag-give up. Nawalan ng pag-asa. The last ray of hope I had, vanished in the darkness, vanished in the deepest abyss of my super excruciating loneliness (hindi ko naintindihan ibig sabihin ng sinulat ko, gusto ko lang gamitin 'tong mga words na 'to). My last string of hope had long been gone ,never to come back again. Para akong isang taong malaon nang nalagutan ng hininga pero patuloy na nabubuhay (in short patay na buhay...ZOMBIE?).Sabi ko dati kaya kong ipaglaban ang lahat na may kinalaman sa 'yo kahit sabi ng mga friends ko na wala naman kong ipinaglalaban or dapat ipaglaban pagdating sa 'yo (Oo nga naman! Ano ba kita?). Kaput! Ilusyon lang naman ang meron ako, di ba?! Sabi nga ng ibang friends ko, ang kuwento ng pag-ibig natin (pag-ibig ko lang pala) ay isang alamat, malaon nang nangyari at nagpasalin-salin sa lahat ng bibig at sa lahat ng henerasyon (exaggeration lang naman ito!). Isang alamat na milagroso at parang hindi naman nangyari!Ang gusto ko lang naman sabihin ay gusto na kitang kalimutan, alisin sa sistema ko, tuluyang mawala sa buhay ko. Talagang napagod na ko,sobrang pagod na pagod na. Ang dati kong deep-set na mga mata ay puro eyebags na ngayon (not to mention the dark circles around it) kakapuyat at kaiiyak dahil sa'yo. Ang dati kong figure na pinag-aawayan ng mga lalaki (to die for body as in "pamatay" - wish,hehehe) ay sa mga larawan na lang makikita (wow! extinct na to na parang mga dinosaurs, hindi lang endangered specie). Gusto ko nang mag-move on!Please let me go (as if). Alam kong hindi mo hiniling na mahalin kita(as if naman pinangarap ko din 'yun), pero honestly, hindi ko lang napigil ang sarili ko. Hay, ewan ba? I didn't see it coming! Nevertherless, here I am, desperately and hopelessly devoted sa 'yo.Parang tangang naghihintay at maghihintay sa wala. Kaya hindi ko na malaman kung saan magsisimulang lumimot sa 'yo. Ang hirap kasi hindi ko alam kung kelan kita sinimulang mahalin, basta nagising na lang ako isang araw na mahal na kita. So kung hindi ko namalayang minahal kita, paano pa kaya kita hindi mamahalin at sisimulang kumbinsihin ang sarili kong limutin ka?Ang sabi ko dati, willing akong maghintay kahit forever, pero sadya nga yatang napakahaba ng forever at hindi ko na mahintay. Mahal kita. No! Mahal na mahal as in sobrang love kita pero sabi nila mahalin ko naman daw ang sarili ko. Kailangan ko din daw igalang 'yong magiging future wife mo (ouch!) at itigil na ang ilusyon na ito. I intend to find my happiness and ngayon unti-unti na nagsi-sink in sa utak ko na hindi ikaw ang magbibigay ng happiness na 'yon, even if you're the only man I have ever loved this way. Love shouldn't make you happy dahil dapat bago ka magmahal, you are already a complete person and that alone should make you happy.
One day, I know magmamahal din akong muli and I want to be ready and prepared when that day comes. For the meantime aayusin ko muna ang sarili ko and enjoy my singlehood and life to the fullest. I know you, too , will love again (maaari ngang in love ka na nagyon sa kung sino mang babaeng pinili ng puso mo) and sana gaya ng prayer ko, maging masaya din na gaya ko.
And one day when our paths cross again, ready na kong sabihing "Minsan, minahal kita at dahil doon, naging mas mabuti akong tao. Mas naging masaya ang buhay ko."